Inspiring Story: Lalaking Nakapagtapos ng Kolehiyo, Isa Palang Jeepney Driver!








Ang ating tagumpay ay hindi dinidikta ng ating estado sa buhay. Gayunpaman ang pribilehiyo ng pagkakaron ng mataas ng estado sa buhay ay isang paraan upang mapadali ang ating journey o minimithi, ang iilan sa mga nakakakamit ng tagumpay bagamat hindi ganoon katas ang estado nila sa buhay ay ang mga tunay na nakakamangha at nakakainspire talaga. Gaya na lamang ng isang jeepney driver na nagbahagi ng kaniyang kwento na maaring marami ang ganito din ang sitwasyon. Nais niyang iparating na may mga ganitong pagsubok talaga sa ating buhay na susubok sa atin mismo at siguradong kayang kaya natin itong malampasan kung tyatyagain natin itong maiigi.





Si Gary Roque ay isang masipag na manggagawa na akala niya ang kaniyang pagaaral sa kolehiyo ng dalawang taon ay makakatulong upang makahanap siya ng trabaho. Taon ang nakalipas, naintindihan niya na hindi ito madali.  “Eto na nung bago ko bumalik sa pag aaral ko bilang 3rd year student ng college life ko. Dun ako nag umpisa na mag maneho at makipag siksikan at sabayan sa mga beteranong driver sa kalsada.”






Binalasnse niya ang pagaaral sa umaga at pagmamaneho sa gabi. May mga pagkakataon pa na nagpapaalam siya sa kaniyang mga guro na umalis ng maaga sa eskwelahan para makapaghanapbuhay pa siya at may kitaing pera. Mukhang madali pero naranasan niyo na bang magtrabaho hanggang 2 AM at papasok kinabukasan? “Dumating yung time na gusto ko ng sumuko 1 week akong di pumasok dahil napapagod na ko. Pero sabi ko sa sarili ko pag subok lang lahat ng to kaya nag sumikap padin ako. Bumalik ako sa pamamasada at syempre sa pag aaral.”

Sa lahat ng kaniyang pinagdaanan, maipagsisigawan na ngayon ni Gary na nakapagtapos siya ng apat na taon sa kolehiyo!



Comments

Popular posts from this blog

Nag viral sa social media ang Isang Tricycle driver na Ito na Nakapag-Asawa ng Napakagandang Amerikana!

John Lloyd Cruz, Sobrang Simple ng Kaniyang Pamumuhay at Nakitang Kumakain pa sa Kalsada

WATCH: Mga Batang Taga Makati, Pinabilib ang mga Pulis sa Galing nila sa Pag-Rap