Inspiring Video ng Isang Bata na Nagpakita ng Katatagan mula sa Pagsubok ang Nagpaiyak sa mga Netizens!





Napakalungkot talagang makakita ng isang bata na lumalaban sa isang karamdaman. Ang mga bagay na gaya nito ang nakakapagpaisip satin na talagang hindi makokontrol ang ating buhay at maaring bigyan tayo kahit anong oras ng mga pagsubok na talagang titimbang sa ating katatagan. May mga ibang tao ang inosente na nakakaranas ng ganito at alam natin na minsan ay hindi sila karapat dapat na magkaroon ng mga pagsubok na gaya noon. Ngunit minsan ay maaring makita natin na kung sino pa ang mga may pagsubok na ganito ay ang mga mas mukhang matatag pa kaysa sa atin. Gaya na lamang ng isang viral video na ito na kumalat sa social media na isang bata na nagngangalang Mira.

Ayon sa post, makikita natin na si Mira ay nasa ilalim ng mabigat at mahirap na sitwasyon. Ito ang nagtulak sa kaniya upang siya lamang ay nakahiga at hindi makatayo, makikita din na siya ay sobrang payat. Sa una maaring isipin natin na ang batang ito ay mahina dahil sa kaniyang pinagdadaanan. Ngunit magugulat ka dahil sa ilang Segundo pa lamang ay pinakita niya na siya ay mas malakas kaysa sa kung anong nangyayari sa kaniya.




Sa video makikita natin na nakangiti si Mira. Ginawa pa niya ang sikat na “In My Feelings” challenge. S kaniyang kinahihigaan, ang bata ay sumayaw kasabay ng kanta na kaniyang sinasambit. Sa kaniyang paligid ay maririnig ang kaniyang mga kaanak na natutuwa at nakikipaghalubilo sa bata. Ang kaniyang mga kilos ay maaring makapagsabi na siya ay isang malakas na bata. Pinakita ni Mira kung gaano siya katapang at kalakas bagamat siya ay nasa sitwasyon na ganito. Ngunit siya pala ay kinalaunan nawala na. Sa video mababasa ang mga caption na: “Mahal na Mahal Kita anak. Salamat s masasayang alaala mo smin. Alam Kung naging matapang at msaya ka s piling nmin. Slamat anak.at pilit mo pang makasama ako. At Alam Kung lumaban ka para s ate mo. Mahal na Mahal Kita.”





Sa loob ng mga Segundo ng video na kumalat, pinakita ni Mira na maaring maging positibo tayo sa buhay kahit pa man tayo ay nakakaranas o kung anong kundisyon tayo ay naroroon. Isang inspirasyon si Mira. 

Comments

Popular posts from this blog

Nag viral sa social media ang Isang Tricycle driver na Ito na Nakapag-Asawa ng Napakagandang Amerikana!

John Lloyd Cruz, Sobrang Simple ng Kaniyang Pamumuhay at Nakitang Kumakain pa sa Kalsada

WATCH: Mga Batang Taga Makati, Pinabilib ang mga Pulis sa Galing nila sa Pag-Rap