Isang Kakaibang Kasalan ang Ginawa ng Couple na Ito Habang Sila ay Nakasabit sa Mountain Cliff




Isang pinaka importanteng event sa ating buhay ay ang pagpapakasal. Ang makasama ang ating partner sa ating buhay ay isang mahalaga at masayang pangyayari na ating pinakahihintay. Karamihan sa mga magkasintahan ay pinapangarap na ikasal sa isang beach, garden o church wedding, pero ang isang magkasintahan na ito ay mas pinili ang extraordinary na kasalan. 


Isang daredevil couple sa isang probinsya ng China ang pinili na ikasal habang sila ay nakasabit sa isang Mountain Cliff na may 100 meters na taas. Ayon sa isang report, Ang mountain Cliff na ito naging setting ng isang sikat na action-adventure show na "Journey to the West". 



Para icommemorate ang iconic na movie na ito at upang mabendisyunan ang mag-asawa, tinulungan sila ng mga climbers na umakyat sa mountain cliff habang nakasuot ng wedding dress ang bride at wedding suit ang groom. 




Mapapansin na nagkaroon pa ng mini photoshoot ang mag-asawa habang sila ay umaakyat sa cliff. Upang ma-remake ang sikat na palabas, nagsuot ng costume na kagaya ng characters sa sinabing sikat na iconic show.


 




Upang makaakyat ng maayos at ng safe, gumamit ng rubber shoes ang bride at hindi na ito nagsuot ng wedding veil. Ikinasal ang dalawa noong November 11, 2017 at ito ang araw ng "Singles Day" kung saan ang mga single na tao ay nagdidiwang dahil sila ay walang partner. 


Maraming netizens ang namangha sa kakaibang kasalan na ito at marami rin ang nagkomento na negatibo tungkol dito dahil sa pagiging delikado ng kanilang ginawa.

Comments

Popular posts from this blog

Nag viral sa social media ang Isang Tricycle driver na Ito na Nakapag-Asawa ng Napakagandang Amerikana!

John Lloyd Cruz, Sobrang Simple ng Kaniyang Pamumuhay at Nakitang Kumakain pa sa Kalsada

WATCH: Mga Batang Taga Makati, Pinabilib ang mga Pulis sa Galing nila sa Pag-Rap