John Lloyd Cruz, Sobrang Simple ng Kaniyang Pamumuhay at Nakitang Kumakain pa sa Kalsada






Ang A-list kapamilya star na si John Lloyd Cruz ay nanatili sa industriya ng showbiz sa mahabang panahon. Noong napagdesisyonan niyang umalis sa showbiz, sinimulan niya ang pamumuhay ng simple. Kahit pa man ito ay malayo sa kaniyang nakagisnan noong siya ay sobrang sikat pa, siya ngayon ay natutuwa at nagagalak sa bagongistilo ng kaniyang pamumuhay gaya na lamang ng isang ordinaryong tao.

Kamakailan, nakita ng publiko ang ibang John Lloyd matapos siyang mamataan na kumakain ng balut sa isang kalsada. Sa kaniyang Instagram profile, ibinahagi ni JL kasama ng kaniyang kaibigan na si Jun Sabayton ang kanilang food trip video kung saan pinamagatan niya itong junlloyd at sinamahan ng hashtag na “#Balut”.






Maraming mga tao ang naiisip na napakadumi kumain ng pagkaing kalye, ngunit si John Lloyd ay mukhang enjoy sa pagkain nito. Sa video na kumalat, makikita natin siyang nagbubukas ng balut na tila ba ay parang eksperto siyang kumain nito. Gaya ng pagkain ng maraming tao, nilagyan niya din ito ng suka bago niya ito kinain. Ito lamang ay nagpapakita kung gaano na siya kasimple ngayon at walng pake sa kung anong imahe ang Makita mula sa kaniya.

Sa karagdagan, hindi lang ito ang kauna unahang simpleng bagay na kaniyang ginawa. Sinubukan na din niyang magpagupit sa isang 40php haircut. Maari naman siyang magpagupit sa iba na kayang kaya niyang bayaran ngunit mas pinili niyang puntahan ang 40 php na ito. Dati ay makikita natin siya na nakasuot ng napakamahal na suit habang humaharap sa media. 



Talaga namang marami na ang nagbago sa kaniya matapos niyang lisanin ang showbiz para matutukan ang kaniyang pamilya. Lalo na ngayon ay magiging tatay na siya sa kaniyang kasintahan na si Ellen Adarna. Isa lamang itong patunay na Malaki na ang pinagbago ni JL at talagang may responsibilidad na siya at naging mas mature.



Comments

Popular posts from this blog

Nag viral sa social media ang Isang Tricycle driver na Ito na Nakapag-Asawa ng Napakagandang Amerikana!

WATCH: Mga Batang Taga Makati, Pinabilib ang mga Pulis sa Galing nila sa Pag-Rap