Nag viral sa social media ang Isang Tricycle driver na Ito na Nakapag-Asawa ng Napakagandang Amerikana!




Love is blind sabi nga sa kasabihan. Pagdating sa pag-ibig, hindi mahalaga kung saan ka galing, kung ano ang iyong katayuan sa buhay, kung ano ang iyong itsura ang mahalaga ay pareho kayong nagmamahalan at pareho kayo ng nararamdaman. Madalas ay napapanood lamang natin sa mga soap opera o pelikula ang ganitong senaryo o di kaya ay nababasa sa mga nobela. Mga senaryo na kung saan ang isang mayaman at magandang babae ay umibig sa isang mahirap na lalaki. Ngunit akalain mo nga naman at pwede din itonmg mangyari sa totoong buhay.

Kamakailan lamang ay nag viral sa social media ang larawan ng dalawang tao na talaga namang kitang kita sa kanilang mga mata na puno ng pagmamahal at kasiyahan. Makikita sa larawan ang isang maganda, mayaman na Amerikana at isang tricycle driver. Mapapansin na sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay hindi ito naging hadlang upang ipahayag nila ang kanilang pagmamahalan. Kahit na sila ay magkaiba ng lahi, magkaiba ang salita, magkaiba ang nasyonalidad, maging ang kanilang kultura at tradisyon, pinatunayan nila na talaga namang bulang ang pag ibig. 



Ayon sa Facebook page na Hanep TV nagustuhan umano ng amerikana ang hindi pa nakikilalang tricycle driver sapagkat ito ay hospitable, magalang, mabait at mapagmahal. Kung susuriin, kilala ang mga Pilipino dahil sa mga katangiang ito kaya hindi na din nakapagtataka kung bakit nahulog ang amerikanang ito sa lalaki. Marami din ang humanga sa babae sapagkat di tulad ng iba, hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao bagkus ay sa kalooban nito.

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang mga opinyo at saloobin ukol dito. Sinabi ng isang netizen na si Juvie Fernandez na mabait at mabuting tao siguro ang lalaki kaya naman biniyayaan siya ng Panginoon ng babae na talagang para sa kanya. May ilang netizen din ang nagpakita ng kanilang suporta at sinabing hindi na mahalaga kung ano ang sasabihin nila, ang mahalaga ay nagkakaunawaan sila at pareho nilang mahal ang isa’t isa. 

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung saan nakatira ang dalawa at kung ano nga ba ang estado ng kanilang relasyon.

Comments

Popular posts from this blog

John Lloyd Cruz, Sobrang Simple ng Kaniyang Pamumuhay at Nakitang Kumakain pa sa Kalsada

WATCH: Mga Batang Taga Makati, Pinabilib ang mga Pulis sa Galing nila sa Pag-Rap